Isang araw binigyan kami ng ate ko ng piso ng aming nanay.Tuwang tuwa ako dahil mabibili ko na sa wakas ang paborito kong sitsirya. Pero sabi ng nanay ko hindi daw ako makakabili ng sistsirya hanga’t hindi ako naliligo. Iniwan ko ang aking piso sa loob ng aking aparador at dali dali akong naligo sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na naisipan pang magkuskos. Mabilis pa sa alas kuwatro ako nagbihis at dali daling lumabas.

Sa labas ng aking kuwarto ay nakasalubong ko si ate na may hawak hawak na dalawang sitsirya. Nagtaka ako bakit dalawa ang sitsirya niya samantalang piso lang ang ibinigay sa kanya ni inay? Hindi ako nagdalawang isip at inakusaha ko si ate na ninakaw niya ang aking piso. Itinaggi niya ito. naisip ko syempre itatanggi niya iyon sino bang magnanakaw ang umaamin sa kasalanan? Nagtalo kai ng ate ko

Ngayon itinatanong ko sa sarili ko……bakit nga ba nasa kabaong na iyon si ate? BAkit nga ba? A tama naalala ko na…. Ang araw na iyon ng binigyan kami ng piso ni inay. Dahil sa pagtatalo namin ni ate hindi sinasadyang naitulak ko siya a hagdan. At sa sobrang takot ko tumakbo ako sa loob ng aking silid at doon nagkulong sa aparador para lang malaman na naroroon ang aking piso nakatago. Umiiyak kong pinakinggan ang pagtangis ng aking ina.

At ngayon…waa na si ate napatay ko siya ng dahil lang sa piso….. Dahil sa piso…..